Modular Learning ng mga Estudyante sa gitna ng Pandemya.

Sa gitna ng nakababahalang Pandemya na lumalaganap sa ating bansa ay hindi pinabayaan ng Dep-Ed ang edukasyon ng mga mag-aaral, bagkus sila ay nag-organisa ng bagong paraan ng pagtuturo. 

Ang Modular Learning o Online Class kung tawagin ay ang bagong paraan ng mga eskwelahan upang makapagturo at makapag-aral ang mga estudyante sa kasagsagan ng Pandemya.
 
Nagbibigay ang mga guro ng mga gawain sa iba't- ibang asignatura batay sa kung anong kurso o baitang ng mag-aaral.Sa pamamagitan ng online class ay napapaliwanag ng husto at malinaw ng mga guro ang kanilang itinuturo sa kanilang mga mag-aaral.

Ang magulang o guardian ang siyang kumukuha at nagbabalik ng mga modyul ng kanilang anak sa tinalagang petsa at oras na tinalaga ng mga guro.
Ang pagbibigay ng sapat na oras na igugugol ng mga estudyante ay sapat sa basehan ng mga pagsusulit at aktibidad.
Ang mga mag-aaral ng bawat paaralan ay sang-ayon sa  panibagong paraan ng paguturo dahil na rin sa paglaganap ng Pandemya. Marahil mahirap ito sa kanilang kalagayan sapagkat hindi naipapakita ang mga itinuturo bagkus instruksyon at self-learning ang kanilang ginagawa.
Sa pamamagitan ng panibagong paraan ng pag-aaral ay nahahasa ang kanilang isipan sa paggawa ng mga aralin at magkaroon ng tiwala sa kanilang sariling kakayahan. 

Comments

Popular posts from this blog

Halimbawa ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin